Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Babu SethDrea: FranSeth bagong tandem

0 139

Natuloy pala ang plano na pagtambalin sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Nang lumantad si Andrea Brillantes sa relasyon niya kay Ricci Rivero, sinabi ng aming source na may bagong makakatambal si Seth.

Inanunsyo na nga kahapon ng Dreamscape Entertainment ang bagong show na magkasama sina Francine at Seth.Ito ay pinamagatang ‘Dirty Linen’.

Marami ang nasorpesa sa proyektong ito.

Kasama rin sa show sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Babu na ba ang SethDrea loveteam ?Mag-click pa kaya ang huling serye nila na ‘Lyric and Beat’ pag pinalabas na ito? Tapos na nilang gawin ito bago pa sinagot ni Andrea si Ricci.

Leave A Reply

Your email address will not be published.