Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby, 4 pa sa Nueva Ecija, nagka-COVID

0 295

Isang 15-araw na gulang na sanggol na babae ang kabilang sa 5 bagong nadagdag sa mga nagpositibo sa COVID 19 sa Nueva Ecija.

Iniulat ni NE Gov. Aurelio Umali, pinuno ng NE Inter Agency Task Force, sa kanyang regular lingguhang briefing, na ang 5 huling pasyente ay nagpataas sa bilang na 73 na kumpirmadong kaso sa lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang sanggol na si patient #73 ay mula Brgy. San Isidro, Santa Rosa na naka-admit sa Gonzales General Hospital sa bayan ng San Leonardo, NE.

Kabilang din sa nadagdag ay dalawang seaman, isang construction worker at isang kauuwi lang galing Mandaue City. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.