Abante Tonite Interactive

Baby binali ang leeg

555

Ama tamang duda kay misis

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol matapos itong hatawin sa ulo at pilipitin ang leeg ng mismong ama sa kalagitnaan ng pag-aaway nila ng mag-asawa sa Barangay Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna.

Agad na nasawi ang sanggol mula sa pagmamalupit ng ama nitong si Robert Vinosa Binaya, 21-anyos.

Sa report, bago ang pagpatay sa anak ay nagtalo muna si Robert at ang misis nito.

Sa labis na galit ng ama ay napagbalingan nito ng galit ang sanggol na noo’y nakahiga kuna.

Sinasabing kinarate nito ang sanggol at sinapok sa ulo. Nabili rin ang leeg ng anak dahil sa pagkakapilipit ng suspek.

Nabunyag ang pangyayari nang isumbong ito ng dalawang barangay official sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay P/Lt. Col. Armie Agbuya, hepe ng Sta. Cruz police, inamin ng suspek ang krimen at nagawa niya umano ito dahil nagdududa umano ito na hindi niya anak ang bata at may ibang lalaki ang misis.

Ayon naman sa tatay mismo ng suspek, palagian na nitong inaaway at binubugbog ang kabiyak kahit na kalalabas pa lamang nito sa ospital kung saan sumailalim sa ceasarian operation sa panganganak.

Nagbanta rin umano ito na huwag siyang pakialaman at ipinagmamalaki pa na isa siyang drug addict.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Sta. Cruz police station. (Ronilo Dagos)