Abante Tonite Interactive

Baby boy ibinasura

By
11

Isang 9-month old baby boy ang natagpuan sa nakatambak na mga basura sa IBP Road malapit sa panulukan ng Rado St., Brgy. Commonwealth, Quezon City dakong alas-7:15 kahapon ng umaga.

Sa report ng Quezon City Police District-Batasan Police Station 6, isang Richard Casaljay, 23-anyos, ang ­nakakita sa bangkay ng sanggol na nakalagay sa isang fruit box.

Ayon kay Casaljay, agad niyang ini-report ang natagpuang sanggol sa barangay na siya namang tumawag sa mga awtoridad para sa imbes­tigasyon.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi naman ng pulisya na isasailalim sa ­autopsy ang bangkay ng sanggol para malaman kung ano ang ikinamatay nito.

Bagama’t ­aminado ang mga awtoridad na mahirap matukoy kung sino ang nagtapon sa bangkay ng baby boy, ay patuloy pa rin ­umano ­silang magsasagawa ng follow-up ­investigation sa nasabing lugar.