Abante Tonite Interactive

Baby boy ni-rape, pinatay

601

Hinihinalang inabuso muna bago pinaslang ang isang 1-anyos na lalaki ng isang construction worker matapos nitong ipasok ang ari sa may puwetan ng sanggol kahapon nang madaling-araw sa Makati City.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima na itinago sa pangalang Jimboy nakatira sa No. 143 Yakal St., Brgy. San Antonio nang nasabing lungsod subalit wala na itong buhay sanhi ng mga tinamong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Gerald Reparip, 27, binata, laborer stay in sa barracks sa Cabulusan St., Muntinlupa City.

Sa report ni P/Maj. Gen. Gideon Ines, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima sa ika-pitong palapag ng abandonadong gusali sa 143 Yakal St. Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod na nakahiga sa isang malaking tabla na walang saplot na pang-ibaba.

Nabatid na huling nakitang kasama ng biktima ang suspek sa isang tindahan kung saan bumili pa ito ng stick-o at ibinigay sa sanggol.

Matapos magduda ang mga pulis, dahil nang matagpuan ang sanggol ay wala itong suot na underwear at nang suriin ang kaselanan nito ay deteriorated na at may natagpuang mga sperm cell dito.

Nang makorner at pahubarin ng mga pulis ang suot na short at brief ang suspek ay dito na nakitang may bahid ng dugo ang underwear nito.

Inamin naman ng suspek na pinasok niya ang ari nito sa puwetan ng sanggol ngunit hindi nito alam ang ginawa dahil lasing na lasing siya.

Inamin din nitong sinakal at binugbog niya ang sanggol nang pagdimlan ng paningin.

Bago ang krimen nabatid kay Ines na kinumbida ng lolo (hindi na binanggit ang pangalan) ng biktima sa kanilang bahay na mag-inuman dahil sa kaarawan ng matanda. (Armida Rico)