Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby dedo sa palo ng 18-anyos mom

0 400

Patay ang isang baby matapos umanong pagpapaluin ng stick na kawayan ng 18-anyos na ina na nabuwisit sa pag-iyak ng una Martes ng tanghali sa Taguig City.

Unang dinala sa Barangay Health Center ang 1-anyos na biktima subalit dahil sa malalang kalagayan ay inilipat ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Inaresto naman ng pulisya ang ina ng biktima na nakilalang si Christine May Dabuit, 18, single mother, at taga-Barangay Upper Bicutan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-12:30 ng tanghali sa bahay ng pamilya.

SM food to go Banner Ad

Napag-alaman na dalawa ang anak ng suspek isang 6-buwang gulang at ang biktima.

Nabatid na natutulog ng mga oras na iyon ang baby na anak ng suspek nang umiyak ang panganay dahilan upang mabuwisit ang nanay nito at walang humpay nitong pinagpapalo sa katawan hanggang sa mapansin na lang nitong nahihirapan nang huminga.

Agad namang isinugod ng nanay sa pagamutan ang anak pero binawian din ng buhay.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Taguig City PNP detention cell habang inihahanda ang kasong parricide laban dito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.