Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby girl binasura sa Makati, naisalba

0 131

Isang babaeng sanggol na basta na lang iniwan sa Makati City nitong Biyernes ang natagpuan at naisalba.

Dinala ng nakakitang mag-asawa ang sanggol sa barangay hall na nakita nila sa Capt. M. Reyes St., Brgy. Bangkal, ayon Violence Against Women and Children desk officer Edna Felix.

Agad naman itong pina-check up sa health center upang masagip at matiyak ang kanyang kaligtasan.

“Maayos siya nung nakuha. Malinis at tsaka nung pina-check up namin siya. Estimated ng doktor 5 to 7 days na. Maayos naman po. OK yung health niya,” pahayag ni Felix.

Nag-ambagan naman ang mga taga-barangay upang maibili siya ng gamit.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng social welfare department center ng Makati ang baby. (AMDJ)

Leave A Reply

Your email address will not be published.