Abante Tonite Interactive

Baby girl nalunod sa timba

347

By Dolly Cabreza

Kahabag-habag ang hitsura ng isang taong gulang na batang babae nang matagpuan ng kanyang tiyuhin na nakahandusay sa loob ng kanilang banyo matapos malunod sa timba Biyernes nang gabi sa Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District nitong Linggo, kinilala ni Capt. Juan Mortel ng Criminal Investigation and Detection Group ang nasawing paslit na si Trisha Mae Rosana Cojo.

Abante Hiring – IT dep

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Alvin Quisumbing, nadiskubre ang sinapit ng biktima ng kanyang tiyuhin na si Marlon Rosana dakong alas-siyete nang gabi.

Agad namang isinugod ang paslit sa Malvar General Hospital pero binawian din ito ng buhay bandang alas-otso nang gabi dahil sa pagkalunod, ayon kay Dr. Zenia Verzosa.

Nabatid sa imbestigasyon na abala sa pagluluto ng kanilang hapunan ang ina ng biktima na si Analyn kaya inutusan nito ang kanyang panganay na anak para tingnan ang bunsong kapatid.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi napansin ng mga kasama sa bahay na pumasok sa banyo ang bata at naglaro ng tubig sa balde at doon nalunod saka natumba ang timba kaya nakahandusay na sa sementadong sahig ng banyo nang matagpuan ang biktima.