Abante Tonite Interactive

Baby nalaglag sa baha, patay

By
234

Namatay ang 1-­taong gulang na batang babae makaraang aksidenteng mahulog sa tatlong talampakang lalim ng ­tubig-baha matapos itong panandaliang iwan ng kanyang ina habang nakahiga sa terrace ng kanilang bahay sa Purok 3, Barangay Frances, Calumpit, Bulacan noong Martes ng umaga.

Base sa report ni P/Supt. Gerardo Andaya, Calumpit police chief, nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang biktimang si Reigella Mae Tanding y Ellema, ng Barangay Frances na tinangka pang maisalba ng mga manggagamot ngunit pumanaw din dahil sa dami ng nainom na tubig.

Alas-9:30 ng umaga nang pansamantalang iwan ng kanyang ina ang biktimang paslit sa terrace ng kanilang bahay sa Purok 3, Bara­ngay Frances, Calumpit na tinamaan ng baha hanggang kasalukuyan, ngunit lingid sa kaalaman ng ina ng bata ay sumunod ang anak hanggang sa malaglag ito sa tatlong piyeng tubig baha at nalunod.