Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby ni Isabelle ‘di pinatawad

0 119

NI: VINIA VIVAR

Ang lulupet talaga ng mga netizen dahil pati ang musmos na bata ay hindi pinatawad.

Sa Instagram Story ni Isabelle Daza ay makikitang sinasagot niya ang mga nag-message sa kanya tungkol sa 2-year old son nila ng asawang si Adrien Semblat.

Mababasa ang comment ng isang netizen na “he’s a gay??? What a disgrace.”

SM food to go Banner Ad

Sinagot ito ni Isabelle ng “I’m sad for your family who has to put up with your values.”

Hindi pa rin tumigil ang netizen at sumagot pa rin. Aniya. “Try to base biblically. Don’t tolerate your kid to be something that he is not supposed to be. You just feel bad. I get it but come on, I have a point. Truth hurts anyway.”

Sinagot itong muli ni Isabelle na halatang kalmado lang. Anang aktres, “if my son was gay it wouldn’t make a difference. And im pretty sure God wouldn’t mind either.”

Pinuri naman ng isang netizen si Isabelle sa isang online thread dahil sa kanyang pagiging open-minded.

“Very liberating. I just hope there will be lot of moms like you. Your future kids are very lucky to have you,” comment ng netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.