Abante Tonite Interactive

Baby ni Kylie, nakuha ang MATA at LABI ni Aljur

By
14

EXCITED si Kylie Padilla na iluwal ang baby boy nila ni Aljur Abrenica.

As of presstime, wala pa rin kaming nakuhang balita kung nakapanganak na si Kylie.

Kamakalawa ay ipinost ni Kylie ang sonogram ng 4D ultrasound ng baby niya.

Natutuwa siya dahil tingin niya, nakuha ng ­baby ang mata at labi ni Aljur. Nakikita niyang guwapo ang kanilang baby.

Mas inspired na si Aljur na magtrabaho dahil ­bukod sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby, isa na siyang Kapamilya at winelcome na ito sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hinubaran agad siya, at bentang-benta na ang maganda niyang katawan.

Isa si Aljur sa maraming produkto ng Starstruck na lumipat na at nagka-career sa Kapamilya network.

Ganu’n na rin kaya ang mangyayari kay Aljur?

***

SANYA at ROCCO
SANYA at ROCCO

Si Rocco Nacino ang isa sa nag-wish ng good luck sa paglipat ni Aljur sa ABS-CBN 2.

Tinanong ito kay Rocco sa press launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino kahapon.

Posible bang lumipat siya sa Kapamilya network kung maganda ang offer?

“Wala naman akong ganung offer,” pakli ng ­Kapuso actor.

“May time kasi nu’n na dumalaw ako sa kaibigan kong direktor du’n kaya nagkaroon ng isyung ganu’n,” sabi ni Rocco.

Pero sa ngayon ay masaya siya sa GMA 7 at ­mananatiling loyal daw siya sa network na ­gumawa sa kanya.

“I’m staying loyal sa GMA. Dito ako binuo, eh. Malaki ang utang na loob ko sa GMA,” tipid na sagot ni Rocco.

Kababalik lang ni Rocco mula sa isang linggong bakasyon sa Europe.

Ilan sa napuntahan niya ay sa Belgium at ­Amsterdam na sobrang nagandahan siya.

Solo flight ‘yun na matagal nang nakapalano na pagkatapos ng Encantadia ay kailangang makapagbakasyon siya.

Pero nasundan agad ng Haplos kasama si ­Sanya Lopez, kaya naging isang linggo na lang ang bakasyon niya sa Europe.

Lalo nilang na-enjoy ang closeness nila ni ­Sanya nang magkasama sila sa Haplos.

Mabuti at maganda ang resulta nito sa ratings, kaya matatagalan pa sila.