Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby nilapa ng aso, napugutan

0 85

WALANG ulo ang katawan ng isang sanggol na pinagpiyestahan pa ng aso nang matagpuan ng mga awtoridad sa Carcar City, Cebu.

Natagpuan ang naturang bangkay sa isang sementeryo sa Sitio Dapdap, Barangay Poblacion 3, Carcar City.

Sinabi ng mga residente, na nakaamoy sila ng nakasusulasok na amoy kayat hinanap nila ito.

Doon na nakita ang bagong panganak na sanggol na babae at kinakain pa umano ng aso ang katawan nito habang wala nang ulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga residente.

Hanggang sa matagpuan ang ulo nito sa bukid sa Sitio Baha-baha, Barangay Liburon, Carcar.

Sinabi ng mga pulis na posibleng namatay ang sanggol at inilibing pero mababaw lang ang pagkakabaon kaya naamoy ng aso at nahukay.

Patuloy pa ang imbestigasyon para alamin kung sino ang ina at mga dapat na mapanagot. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.