Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby pinaanod sa dagat

0 75

Isang patay na bagong silang na sanggol ang natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Barangay Sabang, Polilio, Quezon, Lunes ng tanghali.

Sa report ng Polillo police, nakita ng isang mangingisda ang pulang plastic na nakalutang sa dagat subalit laking gulat nito nang kuhanin at buksan ay tumambad ang katawan ng batang babae.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagsusuri ng doktor ng Municipal Health office, ang sanggol at namatay dahil sa asphyxia o pagkawala ng oxygen sa katawan. Hindi pa matiyak kung patay na o buhay pa ito nang itapon.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaaalam kung sino ang mga magulang at mga kaanak ng sanggol. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.