Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby pinagsa-shabu ng ina para ‘wag umiyak

0 254

Hinahanting ng Na­tional Bureau of In­vestigation (NBI) ang isang inang napaulat na madalas umanong pinagsa-shabu ang 2-anyos niyang anak sa Barangay Punta Princesa, Cebu City.

Ayon sa ulat, pito katao ang nadakip mula sa sinalakay na dalawang ‘drug den’ sa lugar.

Sinabi ni NBI-7 Di­rector Augustus Ren­nan Oliva na nakatang­gap sila ng impormasyon tungkol sa isang babae na nasa likod ng isa sa mga drug den, na madalas umanong pinapabatak ng shabu ang kanyang anak na lalaki.

Napag-alaman din ng NBI mula sa mga kapitbahay ng suspek na pinapaniwala ng suspek na lollipop ang tooter na pinagagamit niya sa bata para tuma­han ito sa pag-iyak.

Wa l a uma n o s a sarili ang bata nang kanilang ma-rescue habang nakatakas ang kanyang ina.

Kinasuhan na ang suspek ng mga kasong paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 at child abuse sa Cebu City Prosecutor’s Of­fice. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.