Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby pinapak ng mga daga, langgam

0 517

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang bagong silang na baby boy makaraang mamatay nang pagpiyestahan ng mga langgam at daga matapos abandonahin ng walang pusong ina sa tambakan ng basura sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Sa report ni PSSg. Alvin Quisumbing, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-11:00 ng umaga (March 29), nang matagpuan ang bagong silang na baby boy sa basurahan sa Freedom Park St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Batay sa pahayag ni Aldo Volante, garbage collector ng Visayas St., Payatas B, abala umano siya sa paghahakot ng basura nang bumulaga sa kanya ang sanggol na nakapaloob sa isang kahon na inabandona sa tambakan sa nasabing lugar.

Agad na ni-report ni Volante sa purok leader na si Fe Delfin, ng freedom Park, Batasan Hills ang insidente at naisugod pa sa Maclang Bautista Hospital ang sanggol subalit idineklara itong dead on arrival, ayon kay Dr. Lara Rellora.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang walang pusong ina na nag-abandona sa nasabing sanggol.

Samantala, nag-alok naman ng P25,000 si Duterte Youth Patry-list Cong. Ducielle Marie Cardema sa sinumang makapagtuturo sa ina ng inabandonang sanggol sa tambakan.

“Walang kuwentang magulang, ubod ng iresponsable, walang pakialam kung mamatay ang sanggol sa kagat ng mga langgam o daga. Walang awang mga magulang…we are offering P25,000 to anybody here in Brgy. Batasan who can locate the irresponsible parents of the new born baby and we also file a measure penalizing such irresponsible parents in our country,” pahayag ng kongresista. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.