Abante Tonite Interactive

Baby T nina Pauleen-Vic mala-Angelina Jolie ang beauty

By
16

MEDYO hirap pa si Pauleen na magsalita nang dinalaw namin sa hospital kahapon dahil masakit pa ang operasyon niya.

Pero nakikita namin sa actress/TV host ang sobrang kasiyahan habang kalong-kalong niya ang kanyang baby.

Nakiusap siyang huwag muna naming ilabas ang picture ng baby dahil ayaw pa raw ni Bos­sing Vic.

Abante Hiring – IT dep

Baka raw sa Eat Bulaga niya unang ipakita, at doon na rin niya sasabihin kung ano ang napili nilang name sa kanilang baby girl.

Basta Baby T na muna ang tawag nila, at iyun din ang itinweet ng Eat Bulaga.

Sobrang cute ng baby at gustong-gusto na nga na­ming i-post pero hindi pa raw puwede ipakita ang mukha ng baby.

Sabi raw ni Bossing Vic, parang kamukha niya, pero mas lamang si Pauleen. Ang nakakaloka lang baby pa lang ito sobrang kapal na ng labi at talagang pouting ito.

Kaya tinutukso na nga naming bagets pa lang, ­mala-Angelina Jolie na ang beauty. Natatawa na lang si Pauleen kahit sakit na sakit pa siya sa operasyon niya.

Ikinuwento ni Pauleen ang panganganak niya na ikinabigla nila dahil gusto na raw talagang lumabas ng baby.

Kaya nag-decide na ang doktor na i-emergency caesarian siya dahil kailangang na raw ilabas ang baby.

Aminado si Pauleen na mahirap, ang panganganak pero sulit daw lahat iyun lalo na’t kapag nakita niya ang kanyang baby.

“Ang sarap pala talaga ng feeling. Ang bango-bango niya, ang sarap,” masayang pahayag ni Pauleen.

Nakikita rin daw niya kay Bossing Vic ang sobrang tuwa, na wala raw ginawa paulit-ulit nitong pinapanood sa phone niya ang video ng pag-ayos sa baby nang nilinis ito pagkalabas niya kay Pauleen.

Sabi ni Pauleen, kahit mahirap, gusto raw niyang magka-baby uli dahil iba raw talaga ang feeling ng mga inaalagaang anak.

Kapag okay na raw si Pauleen at ang baby, baka lalabas na raw sila ng hospital sa Biyernes sa mismong kaarawan ng actress/TV host.

Barbie gustong i-partner sa Kapamilya actor

PAGKATAPOS ng premiere night ng ­pelikulang This Time I’ll Be Sweeter, nag-iisip na si Mother Lily ng gusto ­niyang pelikulang pagbibidahan uli ni Barbie Forteza.

Ang galing ni Barbie sa pelikulang ito, at agree siya na bagay na bagay sa Kapuso young actress ang pelikulang mala-Maricel Soriano.

Gusto na raw niyang masundan ng isa pang project si Barbie, at pinag-iisipan niyang i-partner ito sa isang Kapamilya young actor.

Pero sa ngayon ay focus muna sa loveteam nila ni Ken Chan ­dahil iba rin talaga ang chemistry nilang dalawa.

Comment nga ng ilang nakapanood sa premiere night, may mga kuha raw si Ken na parang si Piolo Pascual at may kilig ­silang dalawa.

Inaasahang susuportahan ng mga fans lalo na ang KenBie fans itong This Time I’ll Be Sweeter na showing na ngayong araw.