Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baby Tali pinusuan sa pagbanat ng Christmas song

0 492

Marami ang nakyutan sa pag-awit ni Baby Tali ng Christmas song sa latest Instagram post ng mommy niyang si Pauleen Luna.

Nagbiro sa caption si Poleng na tila inunahan na ng anak niya si Jose Mari Chan, na tradisyonal nang pinatutugtog ang mga kanta niya pagpatak ng Ber months.

Game na kinanta ni Baby Tali ang “Santa Claus Is Coming to Town”.

Habang sinusulat ito’y mayroon nang mahigit 86,000 ang “pumuso” sa video.

Kabilang sa natuwa sa pagkanta ni Baby Tali ang dating ka-co-host ni Pauleen sa “Eat Bulaga” na si Isabelle Daza.

“Hahaha “good morning,”” sey ni Isabelle.

Pati na si Ai Ai delas Alas, “Napa CUTEEEEEE.” (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.