Abante Tonite Interactive

Baby Talitha inilantad na ni Pauleen

By
15

Libo-libo agad ang hinamig na likes at comments ng unang picture ni Baby Tali na pinost ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account.

Talitha Maria Luna- Sotto 💗 Thank you for all your prayers!

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Abante Hiring – IT dep

Nasa dibdib ni Pauleen si Baby Tali sa photo na yon, at yes, gandang-ganda ang lahat sa baby nila ni Bossing Vic Sotto.

“Talitha Maria Luna-Sotto. Thank you for all your prayers!” simpleng say lang ni Pauleen.
Ang feeling ng netizens, kahawig talaga ng mommy ni Pauleen si Baby Tali. ‘Yung medyo malusog ang pisngi talaga.

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga followers ni Pauleen sa first public exposure ni Baby Tali. Heto nga ang comments nila:

iamcynthia_10 “Dios ko naman ang gandang bata niyan ang sarap i-kiss. Sabagay maganda mommy at daddy kaya yan ang kinalabasan.”

leijohn32 “Halo ang nakuha sa kanila kamuka ni Pau at ni Bossing.”

reinvenhn “Congratz Bossleng welcome to the world. Talitha such a cutie.”

maloufq725 “Ang cute naman.”

mmdryann “Congrats! Wow so precious. Where did you get her name Ms @pauleenlunasotto  btrc.rvr.”

mheecruz “Ang cute ni Baby Talitha. Congrats Poleng and Bossing.”

Super-repost nga si Ruby Rodriguez sa photo na ‘yon nina Pauleen at Baby Tali. Sabi nga niya, lola na siya.

“Talitha Maria Luna-Sotto. Thank you for all your prayers! Such a beautiful mother and daughter!!! Love u both,” sabi pa ni Ruby.