Abante Tonite Interactive

Baby Talitha most popular baby sa showbiz ngayon

By
22

MOST popular baby sa showbiz ngayon si Baby Talitha Maria Luna-Sotto, ang anak nina Bosing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ilang minuto lang mula nu’ng mag-post si Pauleen ng photo ni Baby Talitha, humamig na agad ito ng libo-libong comments, at nakakalokang 207,000 likes, ha!

Meet Baby Talitha😍😍😍😍. She's so pretty!! (@chat.luna )

A post shared by Bossing Vic Sotto (@bossingvicsotto) on

Sapat na ang photo ni Baby Talitha na nasa dibdib ng kanyang nanay na si Pauleen para maging pinakasikat sa socmed ngayon ang baby.

At mula sa photo na ‘yon, nag­labasan na ang iba’t ibang photos din ni Baby Talitha na kuha ng mga kamag-anak ng dalawa.

Karga-karga ni Danica Sotto-Pingris ang bata sa pinosteng photo niya sa IG account niya.

“Can’t wait to see this baby girl again” ang caption. Close up shot naman ng bata ang pinoste uli sa Instagram account na @sottoladies na may caption lang na, “Welcome to the Sotto Family Baby Talitha! You’re so beautiful baby! @pauleenlunasotto.”

Mukha rin ng bata ang naka-post sa @bossing­vicsotto account na may subtitle na ‘I love you Baby T!’ at message caption na, ‘Cuteeeee Lillte Talitha (@marasotto).’

Pati ang ina ni Pauleen na si Chat Luna ay hindi nagpahuli na iposte sa IG ang mukha ng apo na nakanganga pa.

“Hello po,” caption lang ni Mommy Chat Luna.

Karga-karga naman ni Vic ang anak niya sa message post ni Pauleen sa kanyang IG kahapon.

“God’s best. Thank you Lord for my family. Best Birthday gift, ever!” say ni Poleng.

Birthday ni Pauleen kahapon November 10 at isa sa mga bumati sa kanyang post na ito sa asawa ay ang bestfriend niyang si Pia Wurtzbach.

Nag-post din ng kanyang birthday greetings ang kasamahan niya sa Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez.

“To a beautiful lady, friend and now a mother, you are one of the best that came into our life. You have been a blessing to many and I know the best gift from God on ur special day is Talitha. You will be a great Mama that I know. I have seen ur kindness to children, ur care and love what more to ur own child.  God bless you more! We will always be here for you my dearest friend. Happy birthday @pauleenlunasotto. Remember, ‘I like u for always, I love you forever as long as I’m living, your friend I will be’. Happiest birthday Mama Poleng,” madamdaming tsika ni Ruby.

‘I Love Tacloban’ band world class ang dating

MALIBAN sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, pag-a-assist sa kanyang misis na si Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez, ang pag-aalaga ng banda ang pinagkakaabalahan ni former Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Ipinagmamalaki ni Alfred ang kanyang I Love Tacloban Band sa mga bisita niya na dumalo para sa commemoration ng ikaapat na taong anibersaryo ng super typhoon Yolanda nitong Nov. 8.

Isa kami sa mga entertainment press na nakapanood ng banda na maituturing naming world-class at mahusay pa nang sampung beses sa mga tumutugtog na mga banda sa mga bars at hotels ngayon.

Kitang-kita namin si Alfred kung gaano siya natutuwa at proud sa kanyang banda. Siya pa ang nagsa­sabi kung ano ang kakantahin at tutugtugin ng mga ito.

Nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo ang banda. Bitbit ito ni Alfred sa kanyang mga talks sa abroad.

Layunin niyang ipakita kung gaano kahusay ang talent ng mga Pinoy sa musika at para ipaalam din sa lahat na kahit nasalanta ng bagyo ang banda niya, nanatiling buo ang pag-asa ng mga itong bumangon.

Ang ILTB ay binuo ni Alfred matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa kanila. Nagsilbing therapy ito ng dating mayor nu’ng magkasakit siya.