Abante Tonite Interactive

Baby todas sa tumalsik na bala ng namaril na erpat

254

Maagang binawian ng buhay ang isang sanggol nang tamaan ng bala mula sa baril na ipinutok sa lupa ng kanyang lasing na ama sa South Cotabato.

Sa nakalap na report, batay na rin sa pahayag ng ina ng sanggol, habang nakikinood silang mag-ina ng TV sa kapitbahay ay tinawag sila at pinauuwi na ng kanyang mister na si Rudy.

Pag-uwi ay nadatnan ang lasing na kabiyak na may hawak na baril at pinaputok sa lupa.

Sa kasamaang palad ay tumalsik umano ang bala at sumapol sa 6-buwan nilang sanggol kaya nasawi ito.

Sa ngayon ay pinaghahanap ng awtoridad ang tumakas na suspek.