Abante Tonite Interactive

Bachelorette party ni Angel dadagsain ng mga kelot

0 231

Ni Vinia Vivar

Handang-handa na si Dimples Romana para maging Matron of Honor sa kasal nina Angel Locsin and Neil Arce.

“Nagre-ready na kami ng bachelorette,” sabi niya sa press launch niya kahapon bilang Brand Ambassadress ng Skin Magical beauty product. “Pero kasi, bilang rock star ang kaibigan ko, alam mo naman si Angel, ibang klase siya na bride, so, kaming magre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro babae.”

May dadalo rin daw na mga lalaking friends ni Angel sa bachelorette party kaya kakaiba nga ito.

“So, ang saya lang. Kasi ang cute ni Gel, eh. Natutuwa ako sa kanya, kasi nandu’n ako, eh, simula nu’ng simula. Kung baga, na-witness ko ‘to, na-witness ko lahat ang pinagdaanan niya.

“So, alam ko na aalagaan siyang mabuti ni Neil, alam ko na mahal na mahal siya ni Neil. Ingat na ingat si Neil, iniingatan siya,” sabi pa ni Dimples.

May venue na raw ang wedding pero siyempre, ayaw naman itong i-reveal ng aktres.

“Sabi nila, spokesperson ako, pero wala pa po akong go signal, eh,” sey pa ni Dimples.

Asked kung may advice ba siyang ibinigay kay Angel when it comes sa pag-aasawa, ani Dimples, “Angel would always say that she would always watch me how I am with my family. So, pakiramdam ko, hindi na kailangang i-verbalize. Alam naman niya.

“My love nga tawag niya sa asawa ko. At some point, inisip ko, baka itong si Darna maagaw pa ‘tong asawa ko. Pero hindi siya ganu’n, eh. Kaya alam ko nang secured ako kahit na ‘my love’ ang tawag niya. Sabi ko lang sa asawa ko, ‘wag ka namang ma-in love,’” pagbibiro pa ni Dimples.

Samantala, very happy and proud si Dimples na siya ang napiling pagkatiwalaan ng Skin Magical para maging Brand Ambassadress. At ganu’n din naman kasaya ang kompanya na tinanggap din ng aktres ang kanilang offer.

Ayon kay Ghie Pangilinan na chief operating officer ng Skin Magical, Dimples have the same characteristics as that of the brand’s campaign, Gandang Palaban, with the objective of making everyone confidently beautiful and happily achieve a successful life.