Abante Tonite Interactive

Bachmann: May 27 na POC general assembly, iligal

365

hidwaan ng mga opisyal

Minsan pang sumiklab ang hidwaan ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) tapos na batikusin at kuwestiyunin ng miyembro ng Exe­cutive Board ang tinakdang General Assembly ng pribadong ahensiya sa sports sa Mayo 27.

Naglabas ng isang notice sa lahat ng National Sports Association (NSA) si POC Secretary General Patrick Gregorio para sa pagsasagawa ng isang GA na ‘di naaayon sa kautusan at polisiya o labag sa by-laws ng komite.

“Please be informed that there will be a POC General Assembly meeting on May 27, 2019 (8:00 to 11:00am), at Max’s Restaurant, #20 West Capitol Drive, Barangay Kapitolyo, Pasig City. As both the Meralco Multipurpose Hall and the mini-theater are not available, the Max’s Group has agreed to be the host for the general assembly as they plan to roll-out their support to NSAs during the said event,” kalatas ni Gregorio.

Agad kinuwestiyon ni Philippine Squash Academy (dating Squash Rackets­ Association of the Philippines) president Robert Bachmann, ng legalidad ng memo ni Gregorio sa patawag na GA.

Ayon sa POC membership committee chairman din, ‘di puwedeng tumawag si Gregorio ng isang GA nang ‘di nagsagawa ng isang POC Executive Council meeting muna. Ang meeting agenda ng POC GA ay unang inaaprubahan ng POC Executive Board.

Inesplika ni Bachmann na walang written provision sa POC By-Laws na nagbibigay solong awtoridad sa GA, Presidente, or Secretary General na aprubahan ang agenda ng GA sa kanilang sariling desisyon.

Hiniling din ni Bachmann na liwanagin ang POC leadership o ang SecGen ay sinasadya na sinasantabi ang bumubuo sa POC Board tulad na pagdedeklara na bakante ang lahat ng posisyon.

Una nang nagdaos ang pitong miyem­bro ng POC Board ng special board meeting kung saan ginawa ang isang sulat para kay POC president Ricky Vargas na hinihingi ang paliwanag at klaripikasyon kung bakit tanging ang presidente, secgen at media director lang ang mga kasamang bumubuo sa mamamahala sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na magpapatakbo ng 30th SEA Games 2019 sa bansa darating na Nobyembre.
(Lito Oredo)