Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Back pay ng mga nurse hinahanapan pondo

0 188

Maghahanap ng mapagkukunan ng pondo para sa hinihinging back pay ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno.

Sa kanyang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na susundin ng mga kaukulang departamento ng gobyerno ang utos ng Korte Suprema para sa dagdag-suweldo ng mga nurse kahit wala pang mapagkukunan ng pondo hinggil sa back pay ng mga ito.

“Dahil iyan po ay desisyon ng Korte Suprema, hahanapan at hahanapan po iyan ng pondo. Kung wala pong pondong mahanap sa existing budget, then baka sa supplemental budget,” ayon kay Roque.

Umapela rin si Roque sa mga nurse na dagdagan pa ang kanilang pasensiya dahil sinisikap naman ng pamahalaan na maibigay ang back pay. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.