Abante Tonite Interactive

Back-to-back Miss U ng ‘Pinas?

361

Matunog ang pangalan ni Gazini Ganados na masungkit ang kauna-unahang back-to-back Miss Universe title ng Pilipinas.

Sa ranking ng beauty pageant blog site na Missosology, nangunguna ang pangalan ni Gazini para patungan ng Miss Universe crown, na hawak ngayon ng kababayang si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon sa blog, ‘unstoppable’ umano si Gazini pagsalang ng preliminations, at malaki ang tsansa na iuwi ang korona sa Pilipinas.

“Born with a Filipino mother and Palestinian father, Gazini’s popularity is soaring high among pa­geant aficionados. Although the pressure is very evident to produce a rare back-to-back feat for her pageant crazy country, Gazini seems unfazed. It seems like she is taking everything one day at a time, and is always enjoying the moment. However, once the competition mood is switched on, she is simply unstoppable,” ayon sa Missosology.

Kasunod ni Gazini ay ang pambato ng Colombia na si Gabriela Nader at Thailand beauty Paweensuda Drouin.

Gaganapin ang preliminary competition bukas, oras sa Pilipinas. (RP)