Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Backhoe sinilaban ng tandem

0 230

SINUNOG ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang heavy equipment ng isang construction company sa Maramag, Bukidnon Biyernes ng gabi.

Sa report ng Maramag Municipal Police Station, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang lumapit sa nakaparadang backhoe sa P-10, San Ramon, Base Camp at ilang saglit lang ay may inihagis silang mga boteng may laman na gasoline sa backhoe tsaka mabilis na tumakas.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.