Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Backpack shield sa angkas inaprub

0 283

Aprubado na rin ng National Task Force on COVID-19 ang isa pang disenyo ng barrier o shield na maaaring magamit ng mga magdyowang magka-angkas sa motorsiklo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, bagamat una nang inaprubahan ang plastic barrier para sa backriding na diniseno ng pamahalaang lokal ng Bohol, maaari na rin aniyang gamitin ang ikalawang shield na tila backpack.

Sinabi ni Año, ang pangalawang disenyong inaprubahan ng task force ay katulad ng backpack shield na una nang iminungkahi ng isang motorcycle taxi platform.

Gawa ito sa lightweight, high-density plastic na nagbibigay ng road visibility at maaaring hawakan ng backride.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.