Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Backrider putol binti sa kotse

0 72

Halos hindi makayanan ng isang lalaki ang labis na sakit matapos maputol ang kanang binti nito nang salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Traffic Sector ng Quezon City Police District (QCPD), nakiangkas lang umano ang naputulan ng binti na si Joel Naderata sa kaniyang kasamahan sa trabaho na si Ricky Castil.

Pasado alas-dos Huwebes ng madaling-araw nang mangyari ang insidente, pauwi na umano ang mga biktima sakay ng motorsiklo pero pagsapit nila Quirino Highway ay mag nag-cut sa kanilang sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider at dire-diretsong sumalpok ang motorsiklo sa center island sa lugar.

“May nag-swerve na kotse at na-cut kami kay bumangga ang motor ko sa sa center island,” pahayag ni Ricky na nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa katawan.

Agad naman dinala sa malapit na ospital ang mga biktima. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.