Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baclao gaganti sa Bolts

0 53

Masaya lang si Noy Baclao na babalik siya sa Meralco.

Kahit hindi pa nakakapaglaro sa team nuong 2020, binigyan ng Bolts ng contract extension ang 6-foot-5 big man na produkto ng Ateneo.

Ginugol ni Baclao ang Season 45 na nagpapa-rehabilitasyon sa kanyang injury na nakuha sa unang laro ng 2019 Governors Cup habang nasa Alaska pa.

SM food to go Banner Ad

Sinalo siya ng Meralco noong April mula sa unrestricted free agent list, pero hindi rin nakasama sa PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble. Umabot hanggang semifinals ang Bolts bago sinipa ng eventual champion Ginebra.

Kung nakalaro si Baclao ay posibleng nag-iba ang ihip ng hangin.

“He would have helped a great deal being able to guard Japeth (Aguilar) and (Prince) Caperal,” ani Bolts coach Norman Black na mentor dati ni Baclao sa Blue Eagles. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.