Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baclao ginarahe ng Bolts

0 310

Hindi pa makakalaro si veteran big man Noy Baclao sa Meralco Bolts sa PBA restart Clark bubble umpisa Oct. 11.

Hindi na isinama ang pangalan ng 6-foot-5 center/forward sa 15-man roster para mabigyan ng mas mahabang pagkakataon na maka-recover mula knee injury.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibig sabihin ay hindi pa matutuloy ang court reunion nila ni Norman Black, coach niya dati sa Ateneo.

“Noy will not join the line up because his recovery from his injury has been delayed because of the pandemic,” anang coach.

Sa bahay muna itutuloy ni Baclao ang therapy. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.