Abante Tonite Interactive

Bacolod nurse nagpaanak sa ere

0 431

Gamit lamang ang first aid kit at improvised tools ng eroplano, nagawang matulungan ng isang Pilipino nurse mula sa Bacolod na makapanganak sa loob ng eroplano ang isang Pinay na 37 linggong buntis.

Nabatid na nakasakay sa Qatar Airways ang nurse na si Francis Dominic Mendoza, 25-an-yos, ng Brgy. Tandub, Bacolod City, galing sa Dublin, Ireland noong Hulyo 9 nang mapansin niya na hindi mapalagay ang ilang pasahero.

Nabatid na nasa Thailand ang eroplano papunta sa Maynila nang mag-labor ang isang Pi-lipina na buntis sa eroplano.

Kaagad umanong ibinalot ng kumot ni Mendoza ang bata at iminonitor ang kalaga-yan ng ina.

Napilitan ang piloto at cabin crew na mag emergency landing sa Bangkok para madala sa hospital ang mag-ina at para maiiwas ang sanggol sa anumang inspeksiyon

Nagpasalamat naman ang babae kay Mendoza.

Gayunman,sinabi ni Mendoza na hindi kabayanihan ang kanyang ginawa kundi tawag ng kanyang trabaho lang.

Pabalik na sa bansa si Mendoza mula sa isang taon pagta trabaho bilang nurse sa Ireland. (Juliet de Loza-Cudia)