Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bacolod resort lagot sa foam party

0 112

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang resort sa Bacolod City nang magdaos umano ito ng isang foam party para sa kanilang opening.

Tinukoy ang lokasyon ng resort sa Brgy. Pahanocoy, Bacolod. Ayon sa ulat, walang face mask ang mga dumalo sa naturang party noong Enero 15.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bacolod City Emergency Operations Center, may paglabag sa mga minimum health protocol ang mga dumalo dito tulad ng hindi pagsusuot ng face mask. Kinabalaha rin ng mga awtoridad ang pagsasalo-salo ng mga ito sa pagkain.

Anila, maaaring ipasara ang resort kung napatunayang lumabag ito sa mga ipinatutupad na mga health protocol.

Habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na pahayag ang resort hinggil sa naturang isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.