Abante Tonite Interactive

Bacon, hotdog nakasasama sa mga bata

By
381

Alam n’yo bang nakasasama sa mga bata ang labis na pagkain ng mga bacon, hotdog, tocino o longanisa at iba pang mga tinatawag na processed meat na mas nakasasama sa mga nakatatanda.

Hindi nga naman maiiwasan ang pagkain nito subalit dapat na maging maingat din kahit na bata pa dahil mataas ang taglay nitong fats at choleste­rol na nakasasama sa katawan.

Alam n’yo bang ang pagkain ng processed meat ay may malaking sintomas ng pagkakaroon ng cancer, heart disease at diabetes.

Base kasi sa pag-aaral ng mga resear­cher ng Harvard School of Public Health, nasa mahigit 110,000 katao ang kumain ng ilang piraso ng bacon o isang hotdog sa isang araw ay tumaas na kanilang mortality rate ng 20 percent sa loob ng 20 taon.

Related Posts

Ang isang maliit o three-ounce serving of red meat sa loob ng isang araw ay nagpapataas ng mortality rate ng 13 percent o dili kaya ay mataas ang tsansang maagang mamatay dahil sa pagkakaroon ng mga sakit.

Kasabay nito ang pag-aaral sa pagkain ng karne ng manok o gulay bilang kapalit ng processed food. Ikinagulat ng mga researcher ang malaki ang kaiba­han nito dahil mababa lamang ang naging tsansa ng kanilang mortality­ rate dahil ang pagpili sa pagkain ng karne ng manok kumpara sa proccesed food ay mas tumatagal ang buhay dahil mababa lamang sa cholesterol at fats ang manok.

Base pa sa pag-aaral, tinutukan nila ang pagkonsumo ng red meat, lalo na ang processed meat na base sa kanilang pag-aaral ay premature death ang kaha­hantungan nito. Ngunit ang pagpili ng mas masustansyang klase ng protina kapalit ng red meat ay nakapagpapababa ng tinatawag na chronic di­sease morbidity at ang maagang kamatayan.

Hindi naman po nakasasama ang pagkain ng processed food basta limitado lamang sana ang pagkain at mas mainam na mas tangkilikin na lamang ang mga pagkain na sariwa. Para po sa mga usaping kalusugan, subaybayan ang mga susunod pang isyu.