Abante Tonite Interactive

Bad trip sa alak; ex-Army, 2 tropa kinulong

By ,
0 231

Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) at dalawa pang kasama nito makaraang tutukan ng baril ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa gina­wang pagsisigaw at pag-iskandalo sa Brgy. 91, Pasay City kamakalawa nang hatinggabi.

Sa detention cell ng Criminal Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police ang bagsak ni Rex Correa y Ma­derse, 37, dating mi­yembro ng Philippi­ne Army, naninirahan sa No. 95, P. Villanueva St., Brgy. 91 Zone 9, Pasay City, at dalawang kasama na sina Ricky de Jesus, 43, at Re­muel Tumabing, 41.

Dakong alas-12:10 nang hatinggabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa Arnaiz Avenue habang nagpapatrolya ang mga pulis sa pangunguna ni Senior Inspector Maynard Pascual.

Isa sa tatlong lasing­ na suspek ang nagsisigaw sa nasabing lugar. Sinita sila ng mga pulis at sa kasagsagan ng komprontasyon ay naglabas ng .9mm Taurus PT195 pistol na may isang magazine na loaded ang dating sundalo na si Correa na naging dahilan para ­arestuhin ito.

Tinangkang pigilan ng dalawang kasama ni Correa ang mga pulis kaya inaresto rin sila.

Ikinulong ang mga ito at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, resisting arrest and Presidential Decree 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders.