Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bad trip sa away, mister binoga ni bayaw

0 109

Todas ang isang mister habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang misis matapos silang pagbabarilin ng kapatid ng huli na umaawat sa kanilang pag-aaway, kamakalawa sa Tanudan, Kalinga.

Kinilala ng Tanudan Police Station (TPS) ang nasawing mister na si Joey Gobyang habang ang misis na isinu­god sa ospital ay si Carmen Gobyang, 33-anyos, parehong residente ng Upper Lubo sa nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, ayon sa TPS, nag-aaway umano ang mag-asawang Gobyang nang dumating si Milandro Maslang, 40, kapa­tid ni Carmen, at umawat sa pagtatalo ng mag-asawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa pulisya, hindi umano nagus­tuhan ni Joey ang pag-awat ni Mislang kaya’t sa inis ay itinulak niya ito na naging dahilan para masaktan ang huli, bunutin ang baril at paputukan nang tatlong beses ang nauna.

Agad namatay si Joey matapos tamaan sa ulo habang sugatan din sa ulo si Carmen na posibleng aksidenteng natamaan ng bala mula sa isang cal. 45 na baril.

Mabilis namang sumuko sa pulisya ang suspek matapos ang insidente. (Al­lan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.