Abante Tonite Interactive

Bading na aktor ‘bakel queen’

758

Kalerky ang isang baklitang aktor (BA) na nabigyan ng role sa isang teleserye.

In fairness ay pumasa sa audition si BA kaya sa kanya napunta ang gay role sa isang teleserye, kaya lang ay hindi nito nabigyan ng hustisya ang kanyang karakter.

Ang gusto kasi ni direk ay pa-mhin na bading, as in medyo kloseta ang peg at hindi ‘yung maingay at lantad na lantad na kabaklaan.

Mukha namang keri itong gawin ni BA, na kung mag-aastang straight ay puwedeng makatanso dahil mukha talaga itong mhin.

Nu’ng shoot na ay biglang hindi maka-deliver si BA. Baklang-bakla ang akting nito, na hindi nito maiarte nang tama ‘yung karakter na hinihingi ng script.

Medyo nairita kay BA ang mga katrabaho niya dahil bukod sa hindi niya kabisado ang kanyang mga linya ay wala sa hulog ang akting niya.

At bakel kung bakel ang hitad sa kanyang mga eksena. Puwede na siyang taguriang Bakel Queen sa dami ng bakel niya!

Ewan kung bakit biglang hindi maiarte ni BA ang baklang pa-mhin, eh matagal din naman siyang n­aging kloseta bago siya um-all out sa kanyang kabadingan.

Dismayado tuloy ang production na kumuha sa kanya at kulang na lang ay magsisi ang mga ito kung bakit siya pa ang pinili nu’ng audition.

Limited pa naman ang panahon nila to shoot at dapat ay mabilisan ang trabaho. So, kung may isang palpak, makakabagal ‘yon ng mga ganap at maaapektuhan ang iba.

Ayun, nang magkaroon ng photo shoot at video interview ang cast ng teleserye ay kumpleto sila maliban kay BA.

Ang drama ni BA ay masama raw ang kanyang pakiramdam, pero duda ng production ay nagdahilan lang ito.

Feeling nila ay nahihiya itong magpakita dahil nga ang dami nitong mali sa shoot at bakel kung bakel ito sa mga eksena.

Kung totoong eklay lang ni BA na may sakit siya ay lalo lang niyang pinatunayan sa production ang pagiging unprofessional niya.

Christian Bables baklang kanal

Look test pa lang ay mukhang riot na ang dating ng pelikulang “Panti Sisters.”

Sa short video clip na tinweet ni Direk Jun Lana ay mukhang pokpok ang itsura ni Paolo Ballesteros, mukhang pa-tweetums na gurl si Martin del Rosario at mukhang may tomboy vibes si Christian Bables na kulay blue ang hair.

Ang tatlong hitad ang bida sa “Panti Sisters” na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

Nang tanungin namin si Paolo kung pokpok ba ang karakter niya, natawa lang siya at ang sagot sa amin ay siya ang panganay sa tatlong magkakapatid na puro bading. Kapatid daw nila sa labas si Christian.
Ang tsika naman sa amin ni Direk Jun, drag queen/performer si Paolo, K-pop princess si Martin at si Christian ay baklang kanal. Tawang-tawa kami sa baklang kanal.

Buti ay pumayag si Christian na mag-gay role ulit matapos niyang tanggihan ang “Born Beautiful” na napunta kay Martin.

Pak na pak ang tandem nina Paolo at Christian sa “Die Beautiful” kaya tiyak na laugh trip itong “Panti Sisters” na kasama pa nila si Martin.

Si Direk Perci Intalan ang magdidirek nito mula sa screenplay ni Ivan Andrew Payawal, na nagdirek ng “I America” ni Bela Padilla at isa sa writers ng “Born Beautiful.”

Kasama rin sa pelikula sina Rosanna Roces, Carmi Martin at Roxanne Barcelo.

Ka-join din sa cast ang hunky model na si Mark McMahon, na hindi namin sure kung kaninong partner dahil ang sabi sa amin ni Pao, magpapa-audition daw para sa mga lalaki na makakapareha nila sa movie.

O baka naman pag-aagawan ng tatlong siste-rettes si Mark, hindi kaya?

Parang ang guwapo-guwapo at ang laki-laki naman ni Mark, huh!

Ang “Panti Sisters” na produced ng The IdeaFirst Company, Black Sheep at ALV Productions ay mapapanood sa September 13-19 sa PPP 2019.