Abante Tonite Interactive

Bading na inmate patay sa ungol

579

Nasawi ang isang presong bading matapos makitang umuungol sa selda ng Manila Police District-Theft and Robbery Section (MPD-TRS) kahapon nang umaga, sa MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila (OsMa) ang biktimang si Joseller Ricablanca Y Cerespe, 39-anyos, ng No. 106 J.V. Compound sa Brgy. 123 Zone 9 ng Unang Distrito ng Tondo.

Sa imbestigasyon ni PCMS Batay Bernard Cayabyab, ng MPD-homicide section, alas-7:45 nang umaga, nang mamataan ng isang cook ng headquarters ang biktima na umuungol habang ito’y natutulog.

Nalaman sa isang striker ng MPD-TRS na una umano niyang narinig ang malakas na paghilik ng biktima. Ilang sandali ay umungol na ito kaya tumawag siya ng mga pulis para isugod ang preso sa pagamutan.

Posible umanong inatake ang suspek habang natutulog. Si Ricablanca ay itinurn-over ng MPD-Raxabago Police Station 1 dahil sa umano’y sangkot ito sa pagnanakaw ng P200,000 cash sa negosyanteng kapitbahay na si Roxan Vallespin, 39.

(Juliet de Loza-Cudia)