Abante Tonite Interactive

Bading nag-private message muna saka nag-suicide

772

Ipinasa muna ng isang bading sa kanyang mga ka-group chat ang planong pagpapakamatay bago tuluyang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Joey, 19-anyos.

Sa report nina SPO2 Joselito Bagting at PO2 Philip Cezar Apostol ng Malabon Police Homicide Unit, bago ang insidente ay kainuman pa ni Joey ang kanyang malalapit na kaibigan na sina John Michael at Paul Vincent dakong alas-tres ng ­madaling-araw.

Makaraan ang inuman, nagpaalam na ang biktima sa mga kaibigan na uuwi na.

Pagsapit ng alas-siyete ng umaga, nakipag-chat ang biktima kina John Michael at Paul Vincent kung saan nakita sa kanilang group chat ang larawan ng isang nakabuhol na lubid na may kalakip na mensaheng “Sorry and goodbye, sorry goodnight, I love you guys and sorry sa pag-iwan ko and this time masasabi o magpapatalo na ako.”

Pagkabasa ng mga kaibigan ay agad nilang pinuntahan ang biktima at dito ay nabungaran na nilang nakabigti ang biktima sa loob ng banyo.