Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bading tsinugi sa panghihipo ng tinedyer

0 215

PATAY sa pamamaril ang isang miyembro ng LGBT community sa Candelaria, Quezon.

Inabutan pa ng mga pulis na duguan at wala nang buhay ang biktima na kinilalang si Zaldy Manlolo Custodio, 30-anyos.

Sa report, nakita ang bangkay ng biktima sa Barangay Pahinga Norte, kahapon ng umaga.

May mga nakita ang mga imbestigador ng mga tama ng bala ng baril sa katawan nito.

Sinabi ng Candelaria Municipal Police Station na bago ang krimen ay nakita si Custodio na kainuman ang dalawang kabataan sa barangay, Biyernes ng gabi. Hawak na ngayon ang mga ito ng pulis.

Inamin naman ng isa sa kanila na itinago sa pangalang “Jun” ang pagpatay sa biktima.

Kwento ni “Jun” makailang ulit siyang hinihipuan ng suspek. Naging makulit daw ito dahil lasing na. Sa sobrang inis umano niya ay umalis siya at kumuha ng baril.

Pagkatapos ay inaya niya ang biktima sa madilim na bahagi ng barangay at saka binaril.

Ang kasama pa na menor de edad din ng suspek sa inuman ang nagsisilbing saksi sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.