Abante Tonite Interactive

Badjao akala snatcher, todas sa pulis-Maynila

By
16

Tumimbuwang ang isang Badjao matapos barilin ng isang tauhan ng Manila City Hall dahil sa pag-aakalang snatcher ito sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Jimmy Saed, nasa hustong gulang, tubong Pampanga na nagtamo ng tama ng bala sa ulo ng kalibre 357 magnum revolver.

Samantala, sugatan din ang kapatid ng biktima na tinamaan sa braso matapos sumaklolo.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Renato Ramos, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Manila City Hall Security Force na nahaharap sa kasong homicide at attempted homicide.

Base sa imbestigasyon ng Manila Police Ditrict-Homidice Section, sinabi ng ilang testigo na bago ang pamamaril ay nakitang nasa center island ang biktima at nanghihingi sa mga dumadaang motorista sa Lacson Ave­nue, Sampaloc.

Sinasabing inakala ng suspek na holdaper ang biktima nang lapitan ito para mamalimos subalit sa hindi malamang dahilan ay biglang bumunot ng baril ang una at binaril ang huli.

Sa pagmamadaling tumakas ay naiwan ng suspek ang pitaka nito kung kaya’t isinuko ng mga testigo sa mga awtoridad hanggang sa madakip si Ramos.

Hindi matanggap ng asawa ng biktima ang nangyari rito kung saan noong nakalipas na isang linggo nang dumating ang mga ito sa Maynila matapos lumabas sa Manila Reception and Action Center shelter.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo sa krimen.