Abante Tonite Interactive

Badminton qualifier kanselado

289

KINANSELA ang Badminton Asia Championships 2020 ng mismong governing body sa sports dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang torneo, na unang itinakda maisagawa sa Wuhan, China subalit inilipat sa Manila, Philippines ay dapat sana isagawa Abril 21-26.

Gayunman, ang mabilis na paglaganap ng virus ang nagpuwersa sa Badminton World Federation para suspendihin nito ang lahat ng mga natitirang torneo hanggang sa susunod na dalawang buwan.

“The health, safety, and well-being of all athletes, their entourage, officials and the greater badminton community remain as the top priority,” ayon sa pahayag ng BWF.

Postponed din ang Thomas and Uber Cup, ang European Championships, Pan Am Individual Championships, Croatian International, at Peru International na lahat ay importante para sa mga player na nagnanais magkuwalipika sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Ang Philippine Badminton Association ang ginawaran ng hosting para sa singles ng Asian Championships matapos na unang matagumpay na maisagawa ang hosting ng 2020 Badminton Asia Team Championships sa Manila nito lamang Pebrero. (Lito Oredo)