Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Badyet ng PSC paayos na

0 232

Unti-unti nang nakakabawi ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pinansiyal na situwasyon patungo sa huling quarter ng taon.

Umabot na sa P25M ang pinagkaloob ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (Pagcor) base sa monthly 5% share ng PSC para sa nakaraang Agosto makalipas na mangarampot sa P8M na lang sa mas naunang buwan dahil sa epekto ng Covid-19.

Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez Biyernes, nakakabalik na rin ang ahensiya sa mga gawain at gampanan ang ilang obligasyong pinansiyal dahil sa papataas na buwanang remittance ng Pagccor.

Isa rito ang pagkakaloob na sa buong monthly allowances ng bawat athlete at coach epektibo nitong Oktubre dahil sa pag-apruba naman sa P180M pondo para sa Hulyo-Disyembre sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Pinayagan na sa 30% ang operasyon ng mga Pagcor Casino sa ilang parte ng bansa sa ilaim ng modified general community quarantine. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.