Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Badyet sa Olympics tataas pa

0 10

Maari pang tumaas ang badyet ng Team Pilipinas para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng pandemya sa darating na July 23-August 8 kung madaragdagan pa ang kasalukuyang 10 qualified athletes.

Ito ang pinahayag ni Philippine Sports Commissiion Chairman William ‘Butch’ Ramirez makaraang aprubahan sa PSC board meeting nitong Martes ang mungkahing pondo ng Philippine Olympic Committee na P46.230M.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumakatawan ang halaga sa international airfare, hotel and accommodation, allowances ng athletes at officials, COVID-19 testing, hotel quarantine expenses, insurance sa pandemic treatment, travel at repatriation ng buong delegasyon. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.