Abante Tonite Interactive

Bae at Jung Hae In madalas mag-date

By
93

NANANATILING tahimik ang Korean actress/singer na si Bae Suzy sa napabalitang tuluyang pagbi-break na nila ng Korean actor na si Lee Min Ho. Ang mga management agency lang nila ang nagkumpirma na break na nga ang dalawa.

Kung kasalukuyang in ‘hiatus’ si Min Ho dahil sa kanyang military service, si Suzy naman ay katatapos lang ng kanyang drama, ang SBS’ While You We’re Sleeping na nakatakdang mapanood naman sa Pilipinas sa GMA7.

Sa latest interview ni Suzy, sinabi nitong ang katatapos na drama ang isa sa mga nagawa niya na naging masaya siya, especially portraying a role of a reporter.

“Going to the set made me so happy. I was very excited to be playing a reporter, and I worked hard to prepare because I wanted to do well. Looking back, I was truly happy during the time I spent living as Hong Joo,” sabi niya.

Hindi rin makalimutan ni Suzy na may mga times na nag-i-spend siya ng oras kasama ang mga real-life reporters para makita raw niya kung paano nga ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho.

Bukod sa pagka­k­­agawa ng WYWS, mukhang hindi rin makalimutan ni Suzy ang mga naging co-stars niya rito, ang leading man niya na si Lee Jong Suk at ang may ‘crush’ sa kanya sa drama na si Jung Hae In.

Ni-reveal nga ni Hae In na habang ginagawa nila ang WYWS, madalas silang uminom at kumain sa isang convenient store.

Nagbakasyon din daw sila na hindi kasama ang mga manager nila and it was a memorable trip for them.

Kung titingnan si Suzy, mukhang nakaha­nap talaga siya ng mga bagong kaibigan sa pagka­kagawa niya ng WYWS kaya parang hindi makikita rito kung apektado nga ba siya ng rumored break-up nila.

Pagkatapos ng WYWS, kinumpirma na rin ng kanyang management, ang JYP Entertainment na naghahanda na si Suzy for her solo comeback as a singer.

Sa nga­yon daw, nasa proseso na ito ng pamimili ng mga kanta na magiging part ng kanyang comeback solo album.

Kung kailan ang exact date ng release ng album niya ang hindi pa raw nila masasagot sa ngayon bilang nasa preparation process pa ang lahat.

Definitely, isa ito sa mga nakakapagpa-excite sa mga fans niya, after acting, ang muli si­yang mapanood as a singer naman — where she actually started.