Abante Tonite Interactive

Bae Suzy, Lee Seung Gi balik-tambalan

By
3,001

Halos magkakasunod ang mga fan meeting ng South Korean singer/actress na si Bae Suzy sa mga bansa sa Asia.

Sinimulan niya ito sa Taiwan, then Hongkong at sa Thailand noong June 24. Ito rin ang kauna-unahan niyang fan meeting sa Asia simula pa noong mag-debut siya bilang miyembro ng girl group na “Miss A” noong 2010.

Dito rin nakausap ng Thailand press si Suzy. Kinumpirma niya ang muling pagtatambal nila ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa big-budgetted K-drama na “Vagabond.”

Sa interview ng Thairath, hindi maikakaila ang excitement ni Suzy sa bagong drama at sa muli nilang pagtatambal ni Seung Gi. Una silang nagsama sa Gu Family Book noong 2013.

“Yeah, it’s Vagabond. I play as a spy. It has been five years since I’ve worked with Lee Seung Gi Oppa. I was surprised and glad to work with him again. Also, it’s a drama that I want everyone to pay attention.”

Sa ngayon, nagsimula na ngang mag-taping sina Suzy at Seung Gi at iba pang cast sa Seoul. Pero sa mga susunod na buwan, sa ibang bansa na ang location taping nila tulad ng Portugal at Morocco.

Tinanong din si Suzy kung ano pa ang mga gusto niyang gawin.

Aniya, “I want to do well both in singing and acting. Following many aspects, I cannot focus only on one side. If I want to make it better, I need to prepare myself a lot. There is also an advantage to do different things because fans will see me with many different roles.”

Bukod dito, gusto raw talaga niyang makita at makilala ang mga fan niya hindi lamang sa South Korea kaya natuwa siya nang magkaroon ng 2018 SUZY Asia Fan meeting Tour.

“From now on, I would like to have the opportunity to meet many fans. I want to do good projects for everyone to see different sides of me.”

In fact, sa tanong kung anong award ang susunod na gusto niyang matanggap, may kaugnayan pa rin sa mga taga­hanga niya ang naging sagot niya.

Ayon kay Suzy, “I want to win award from my fans because it’s valuable and meaningful.”
Sa mga hindi nakakaalam, isa si Suzy sa itinuturing na “CF Queen” sa South Korea dahil sa napakaraming endorsements niya.