Abante Tonite Interactive

Bae Suzy may kakulangan bilang aktres at singer

By
3,980

Ang South Korean actress/singer na si Bae Suzy ang recent cover ngayon ng Elle Korea. Dito nga nakapag-open-up si Suzy sa mga pinagdaanan niya bilang isang singer at isang aktres.

Tila aware si Suzy na marami pa rin sa mga ­Korean netizen ang kini-criticize siya pagdating sa kakayahan niya bilang isang singer at actress. Ito ay sa kabila ng popularidad na meron siya.

Si Suzy ang maitutu­ring na isa sa mga pinakasikat na South Korean artist. Hindi rin siya halos nawawalan ng television drama offer at mga CF o commercial film, bukod pa sa kalo-launch lang niya ng kanyang solo album­.

Sabi nga ni Suzy na nag-debut noong 2010 sa pamamagitan ng kanilang trio female group na miss A under their ageny, JYP Entertainment, “I’ve been working consistently without really having a break, and I looked up one day and realized just how much time had passed.”

Hanggang ngayon, marami pa rin ang kumukuwestiyon at tila nakukulangan kay Suzy bilang isang aktres at singer. Even after her last drama, ang While You We’re Sleeping kunsaan, kasama niya sina Lee Jong Suk at Jung Hae-in.

“There have been times when the results weren’t as good as I was hoping for, but these days, I’ve started to tell myself that not every­thing that I will work out well. I tell myself that ­everything is a lesson that can help me in the next work I do.”

Sa kabila ng alam niyang hindi niya napi-please ang lahat, patuloy pa rin daw si Suzy na gagawin ang lahat both in her acting and s­inging career.

“I don’t go out of my way to try and balance my acting and music careers. I think I’ve just found a natural flow that I can follow and I’m doing both, and I hope people will continue to see me as someone who is capable of doing both.”

Sa isang banda, sabihin man na may nangba-bash, hater o nagki-critize kay Suzy, pangalan pa rin niya ang lumabas na inofferan bilang katambal ng South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi. Ito’y para sa big budgeted spy drama na ‘Vagabond’.

Kinumpirma ng parehong agency nina Suzy at Seunggi ang muling pagta­tambal nila noong June 5 after ng limang taon na gawin nila ang “Gu Family Book.”

Pero ilan din sa mga comment, umaasa na sana raw ay galingan ni Suzy sa ‘Vaga­bond’. Sana raw ay madala ito ng husay ng mga co-star niya tulad ni SeungGi at ang gaganap na kontrabida na si Shin Sung-Rok.