Abante Tonite Interactive

Bae Suzy-Nam Joo Hyuk tambalan kinasa

232

Laman si Bae Suzy ng iba’t ibang article ngayon sa South Korea. Not because may scandal sa kanya kundi puro mga positibong update sa kanya.

Kasalukuyan pa ring palabas ang pinagbibidahan nilang action drama ni Lee Seung Gi sa SBS. Napapanood tuwing Friday at Saturday ng 10:00 pm sa South Korea, followed by Netflix.

May talks na posibleng ang bagong drama ng tvN na “Sandbox” ang magiging follow-up drama agad ni Suzy. Ang makakasama niya ay ang South Korean actor na si Nam Joo Hyuk.

Pareho namang positibo ang response ng agency nina Suzy at Joo Hyuk sa offer na ito. They’re both positively looking at the offer.

Gagampanan ni Suzy ang role ni Seo Dal Mi, isang drop out sa college at nag-trabaho na ng iba’t ibang odd jobs in the hopes of running her own start-up company.

Si Nam Joo Hyuk naman ay gaganap sa papel na Nam Do San, the founder of Samsan Tech.

Kung matutuloy ang drama na ito, this will mark as Suzy and Joo Hyuk’s first time to work together. So far, positibo ang feedback sa pagsasama nila.

Bukod sa bagong drama, kumpirmado na rin si Suzy sa bago niyang Korean film. Kaya walang kaduda-duda na si Suzy ang isa sa pinakasikat na Korean star talaga.