Abante Tonite Interactive

Bae Suzy sinisi sa hiwalayan kay Lee Dong Wook

By
3,017

Tinawag na “immature” sa lumabas na artikulo sa isang South Korean online site, ang koreaboo.com, ang mga international fan.

May kaugnayan ito sa maingay na balitang break na nga ang mga South Korean actor at actress na sina Lee Dong Wook at Bae Suzy.

Ibang-iba raw kasi ang mga reaksiyon ng mga fan outside Korea at mga Korean netizen sa naging break-up.

Naba-bash si Suzy dahil sa recent break-up. Siya ang sinisisi. Tumagal lang ng apat na buwan simula nang kumpirmahin ng parehong agency nila na sila na nga.

Ang mga fan internationally raw ang nag-i-“slut-shaming” kay Suzy or nagba-badmouth dito.

May mga kumukuwestiyon kay Suzy na sa age raw nito na 23, nakakailang boyfriend na. Obviously, hindi naging positibo sa ilang international fan nang mag-break si Suzy at si Lee Min Ho noong isang taon at nga­yon naman nga ay si Lee Dong Wook.

Ilan sa mga comment against kay Suzy ay, “Okay I have nothing against Suzy but am I the only that thinks that her relationships keep breaking up with these guys and then getting a new one a week later like and then the cycle continues like….”

May komento rin na mabilis daw itong maki­pag-boyfriend at mabilis din makipag-break.

“She’s fast at everything. Fast at breakup. Fast at moving on. Nah nah i didn’t say anything.”

Tinawag din si Suzy ng ilang international k-fan na ang South Korean si­nger/actress raw ang Taylor Swift of K-pop. Na mabilis magpalit ng karelasyon.

Bukod dito, isyu rin sa ilang international fan na parehong “Lee” ang mga apelyido ng naging boyfriend ni Suzy. Sino raw kaya ang susunod, si Lee Jong Suk na huling na­ging leading man ni Suzy sa While You Were Sleeping o si Lee Seung Gi na leading man niya muli ngayon sa Vagabond?

Ayon sa koreaboo.com, mahigit 14% ng Korean citizen naman daw ay “Lee” ang apelyido.

Pero magkaiba ang naging pagtanggap ng mga international fan at mga Korean fan sa nangyari.

Para sa mga k-netizen, normal lang naman daw ang nangyari kina Suzy at Dong Wook lalo pa nga at 13 years ang age gap nila. Bukod dito, bata pa si Suzy kaya tama lang naman daw na maghanap ito ng perfect partner for her.