Abante Tonite Interactive

Bag ng trainer plane pilot natagpuan

406

Nakita na ang bag ng piloto mula sa nawawalang Beechcraft plane na aksidenteng bumagsak sa karagatan matapos itong mapadpad sa isang isla sa Sitio Panagatan 1, Brgy. Harigue, Caluya, Antique kamakalawa.

Ayon kay Police Lt. Colonel Socrates Faltado, dakong alas-11:30 nang umaga nang makatanggap ng report si Caluya Vice Mayor Diosdao Egina hinggil sa natagpuang bag na pag-aari ng piloto mula sa bumagsak na aircraft.

Sinabi ni Faltado na ang nasabing bag ay napadpad sa dalampasigan may dalawang kilometro mula sa tabing dagat na sumabit sa taniman ng ‘seaweeds’.

Ang nasabing aircraft ay pinaniniwalaang bumagsak sa pagitan ng karagatan ng Mindoro, Palawan at Caluya, Antique.

Agad namang nagresponde bandang ala-1:10 nang hapon ang rescue team at nakuha sa crash site ang bag na pag-aari ng pilotong si Captain Jose Nelson Escalante Yapparcon.

Samantala’y bigo pa ring matagpuan ang dalawang piloto. (Armida Rico)