Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagets binurdahan ng saksak

0 54

TODAS ang isang binatilyo matapos burdahan ng saksak ng kapwa menor-de-edad habang nagwawalis sa bakuran ng kanilang bahay kamakailan sa Purok 5, Barangay Sevilla, San Ferrnando City, La Union.

Ang nasawi habang ginagamot sa ospital ay si Miguelito Cea, 16, ng nasabing barangay.

Sa paunang report, sinabi ng San Fernando City Police Station (SFCPS), bago ang pananaksak, nagwawalis sa kanilang bakuran si Cea nang dumating ang di na pinangalanang suspek at walang sabi-sabing binurdahan ng saksak si Cea.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit siya ay namatay habang ginagamot dahil sa saksak sa kanyang dibdib na tumagos sa puso nito, dalawa sa likuran at isa sa mukha.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen. Inaalam pa ng pulisya ang motibo nito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.