Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bagets kinuyog ng 3 bading sa b-day party

0 79

Naangasan matapos na dumayo sa isang birthday celebration, kinuyog ang isang menor de edad na lalaki ng tatlong bading sa Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa tanggapan ng Rosario Police Station ang ina ng 17-anyos na biktima para ireklamo ang sinapit ng kanyang anak sa kamay ng mga suspek.

Arestado naman ang dalawa sa tatlong itinurong suspek na isang nagngangalang Bernardo Hiles, 18, at isang itinago na lang sa alyas na Jayson dahil menor de edad pa.

Pinaghahanap pa ang isa nilang kasamahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Staff Sergeant Ronna Abutin ng Rosario Police Station, dakong alas-11:45 noong Martes ng gabi nang kuyugin ng mga suspek ang biktima sa bahay umano ng isang Ambet Arevalo sa Brgy. Sapa 2 sa nasabing bayan subalit alas-8:30 kamakalawa ng gabi lamang nagsampa ng reklamo ang biktima kasama ang kanyang ina.

Ayon kay Abutin, hindi umano nagustuhan ng mga suspek ang asal ng biktima na lasing kaya ito pinagtulungang bugbugin. Hindi na nagbigay ng iba pang pahayag ang imbestigador.

Nabatid na kinuhanan pa umano ng video ang pambubugbog ng mga suspek sa biktima na ngayon ay hawak ng pulisya.

Nabatid na dumayo lamang ang biktima sa lugar kung saan isa siya sa bisita ni Arevalo na nagdiwang ng kaarawan.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isinampa laban sa mga suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.